14Pantay-pantay ang gawin ninyong paghahati-hati ng lupain, dahil ipinangako ko sa mga magulang ninyo na ibibigay ko ito sa kanila upang manahin ninyo.
15Ito ang mga hangganan: “Ang hangganan sa hilaga ay mula sa Dagat ng Mediteraneo papuntang Hetlon, sa Lebo-hamat sa Zedad,
16sa Berota, sa Sibraim, na nasa hangganan ng Damasco at ng Hamat hanggang sa Hazerhatico na nasa hangganan ng Hauran.
17Kaya ang hangganan sa hilaga ay magsisimula sa Dagat ng Mediteraneo hanggang sa Hazar-enon, na nasa hangganan ng Damasco at ng Hamat sa hilaga.
18“Ang hangganan sa silangan ay mula sa hangganan ng Hauran at Damasco papuntang Ilog Jordan (sa pagitan ng Gilead at ng Israel) patungo sa Dagat na Patay hanggang sa Tamar. Ito ang hangganan sa silangan.