Ezekiel 47

Ito ang mga hangganan: “Ang hangganan sa hilaga ay mula sa Dagat ng Mediteraneo papuntang Hetlon, sa Lebo-hamat sa Zedad,

Ezekiel 47:15 (UKJV) And this shall be the border of the land toward the north side, from the great sea, the way of Hethlon, as men go to Zedad;

13Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: “Ito ang mga hangganan ng mga lupaing paghahati-hatiin ng labindalawang lahi ng Israel bilang mana nila. Bigyan ninyo ng dalawang bahagi na mamanahin ang lahi ni Jose.

14Pantay-pantay ang gawin ninyong paghahati-hati ng lupain, dahil ipinangako ko sa mga magulang ninyo na ibibigay ko ito sa kanila upang manahin ninyo.

15Ito ang mga hangganan: “Ang hangganan sa hilaga ay mula sa Dagat ng Mediteraneo papuntang Hetlon, sa Lebo-hamat sa Zedad,

16sa Berota, sa Sibraim, na nasa hangganan ng Damasco at ng Hamat hanggang sa Hazerhatico na nasa hangganan ng Hauran.

17Kaya ang hangganan sa hilaga ay magsisimula sa Dagat ng Mediteraneo hanggang sa Hazar-enon, na nasa hangganan ng Damasco at ng Hamat sa hilaga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.