Ezekiel 47

Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: “Ito ang mga hangganan ng mga lupaing paghahati-hatiin ng labindalawang lahi ng Israel bilang mana nila. Bigyan ninyo ng dalawang bahagi na mamanahin ang lahi ni Jose.

Ezekiel 47:13 (UKJV) Thus says the Lord GOD; This shall be the border, whereby all of you shall inherit the land according to the twelve tribes of Israel: Joseph shall have two portions.

11Ngunit ang mga latian sa palibot ng Dagat na Patay ay mananatiling maalat upang may makuhanan ng asin ang mga tao.

12Tutubo sa magkabilang panig ng ilog ang ibaʼt ibang uri ng punongkahoy na namumunga. Ang mga dahon nitoʼy hindi malalanta at hindi mauubos ang mga bunga. Mamumunga ito sa bawat buwan dahil dinadaluyan ito ng tubig mula sa Templo. Ang mga bunga nitoʼy pagkain, at ang dahon ay gamot.”

13Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: “Ito ang mga hangganan ng mga lupaing paghahati-hatiin ng labindalawang lahi ng Israel bilang mana nila. Bigyan ninyo ng dalawang bahagi na mamanahin ang lahi ni Jose.

14Pantay-pantay ang gawin ninyong paghahati-hati ng lupain, dahil ipinangako ko sa mga magulang ninyo na ibibigay ko ito sa kanila upang manahin ninyo.

15Ito ang mga hangganan: “Ang hangganan sa hilaga ay mula sa Dagat ng Mediteraneo papuntang Hetlon, sa Lebo-hamat sa Zedad,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.