Ezekiel 47

Ngunit ang mga latian sa palibot ng Dagat na Patay ay mananatiling maalat upang may makuhanan ng asin ang mga tao.

Ezekiel 47:11 (UKJV) But the miry places thereof and the marishes thereof shall not be healed; they shall be given to salt.

9At kahit saan ito dumaloy, marami nang isda at iba pang nabubuhay sa tubig ang mabubuhay dahil pinapasariwa nito ang maalat na tubig.

10Marami nang mangingisda sa Dagat na Patay mula sa En-gedi patungo sa En Eglaim. Dadami ang ibaʼt ibang uri ng isda sa Dagat na Patay katulad ng Dagat ng Mediteraneo. Ang tabing-dagat ay mapupuno na ng mga pinatutuyong lambat.

11Ngunit ang mga latian sa palibot ng Dagat na Patay ay mananatiling maalat upang may makuhanan ng asin ang mga tao.

12Tutubo sa magkabilang panig ng ilog ang ibaʼt ibang uri ng punongkahoy na namumunga. Ang mga dahon nitoʼy hindi malalanta at hindi mauubos ang mga bunga. Mamumunga ito sa bawat buwan dahil dinadaluyan ito ng tubig mula sa Templo. Ang mga bunga nitoʼy pagkain, at ang dahon ay gamot.”

13Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: “Ito ang mga hangganan ng mga lupaing paghahati-hatiin ng labindalawang lahi ng Israel bilang mana nila. Bigyan ninyo ng dalawang bahagi na mamanahin ang lahi ni Jose.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.