Ezekiel 47

Tutubo sa magkabilang panig ng ilog ang ibaʼt ibang uri ng punongkahoy na namumunga. Ang mga dahon nitoʼy hindi malalanta at hindi mauubos ang mga bunga. Mamumunga ito sa bawat buwan dahil dinadaluyan ito ng tubig mula sa Templo. Ang mga bunga nitoʼy pagkain, at ang dahon ay gamot.”

Ezekiel 47:12 (UKJV) And by the river upon the bank thereof, on this side and on that side, shall grow all trees for food, whose leaf shall not fade, neither shall the fruit thereof be consumed: it shall bring forth new fruit according to his months, because their waters they issued out of the sanctuary: and the fruit thereof shall be for food, and the leaf thereof for medicine.

10Marami nang mangingisda sa Dagat na Patay mula sa En-gedi patungo sa En Eglaim. Dadami ang ibaʼt ibang uri ng isda sa Dagat na Patay katulad ng Dagat ng Mediteraneo. Ang tabing-dagat ay mapupuno na ng mga pinatutuyong lambat.

11Ngunit ang mga latian sa palibot ng Dagat na Patay ay mananatiling maalat upang may makuhanan ng asin ang mga tao.

12Tutubo sa magkabilang panig ng ilog ang ibaʼt ibang uri ng punongkahoy na namumunga. Ang mga dahon nitoʼy hindi malalanta at hindi mauubos ang mga bunga. Mamumunga ito sa bawat buwan dahil dinadaluyan ito ng tubig mula sa Templo. Ang mga bunga nitoʼy pagkain, at ang dahon ay gamot.”

13Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: “Ito ang mga hangganan ng mga lupaing paghahati-hatiin ng labindalawang lahi ng Israel bilang mana nila. Bigyan ninyo ng dalawang bahagi na mamanahin ang lahi ni Jose.

14Pantay-pantay ang gawin ninyong paghahati-hati ng lupain, dahil ipinangako ko sa mga magulang ninyo na ibibigay ko ito sa kanila upang manahin ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.