7Nang naroon na ako, marami akong nakitang kahoy sa magkabilang pampang.
8At sinabi niya sa akin, “Ang tubig na itoʼy dumadaloy sa lupain sa silangan papunta sa Araba papunta sa Dagat na Patay. Ang dagat na ito ay magiging sariwang tubig na at hindi maalat.
9At kahit saan ito dumaloy, marami nang isda at iba pang nabubuhay sa tubig ang mabubuhay dahil pinapasariwa nito ang maalat na tubig.
10Marami nang mangingisda sa Dagat na Patay mula sa En-gedi patungo sa En Eglaim. Dadami ang ibaʼt ibang uri ng isda sa Dagat na Patay katulad ng Dagat ng Mediteraneo. Ang tabing-dagat ay mapupuno na ng mga pinatutuyong lambat.
11Ngunit ang mga latian sa palibot ng Dagat na Patay ay mananatiling maalat upang may makuhanan ng asin ang mga tao.