Ezekiel 48

Katabi ng lupain ng lahi ni Benjamin sa gawing timog ay ang lahi ni Simeon at ang haba nito ay mula sa silangan hanggang sa kanluran ng lupain ng Israel.

Ezekiel 48:24 (UKJV) And by the border of Benjamin, from the east side unto the west side, Simeon shall have a portion.

22Kaya sa gitna ng lupain na para sa pinuno ay ang aking banal na lugar, ang Templo, ang lupain ng mga Levita, at ang bayan. Ang lupaing para sa pinuno ay nasa gitna ng lupain ng lahi ni Juda at ng lahi ni Benjamin.

23Ito naman ang mga lupaing tatanggapin ng ibang mga lahi: Ang lupain ng lahi ni Benjamin ay nasa gawing timog ng lupain ng mga pinuno, at ang lawak ay mula sa silangan hanggang sa kanluran ng lupain ng Israel.

24Katabi ng lupain ng lahi ni Benjamin sa gawing timog ay ang lahi ni Simeon at ang haba nito ay mula sa silangan hanggang sa kanluran ng lupain ng Israel.

25Ang lahi ni Isacar ay magkakaroon ng isang bahagi; ang magiging hangganan nito ay ang teritoryo ng lahi ni Simeon mula sa silangan hanggang sa kanluran.

26Ang lahi ni Zebulun ay magkakaroon ng isang bahagi; ang magiging hangganan nito ay ang teritoryo ng lahi ni Isacar mula sa silangan hanggang sa kanluran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.