32Sa pader sa silangan na isaʼt kalahating milya ang haba, pinangalanan ang mga pintuan na Jose, Benjamin at Dan.
33Sa pader sa timog na isaʼt kalahating milya rin ang haba, ang mga pintuan ay pinangalanang Simeon, Isacar at Zebulun.
34At doon naman sa pader sa kanluran na isaʼt kalahating milya rin ang haba, ang mga pintuan ay pinangalanang Gad, Asher at Neftali.
35Kaya ang kabuuang haba ng pader ay mga siyam na kilometro. At mula sa araw na iyon, ang lungsod ay tatawaging, ‘Naroon ang Panginoon!’ ”