Ezekiel 48

Ang lahi ni Ruben ay magkakaroon ng isang bahagi; ang magiging hangganan nito ay teritoryo ni Efraim mula sa silangan hanggang sa kanluran.

Ezekiel 48:6 (UKJV) And by the border of Ephraim, from the east side even unto the west side, a portion for Reuben.

4Ang lupain ng lahi ni Manases ay nasa gawing timog ng lupain ng lahi ni Neftali, at ang luwang nito ay mula pa rin sa silangan hanggang sa kanluran ng Israel.

5Ang lahi ni Efraim ay magkakaroon ng isang bahagi; ang magiging hangganan nito ay ang teritoryo ng lahi ni Manases mula sa silangan hanggang sa kanluran.

6Ang lahi ni Ruben ay magkakaroon ng isang bahagi; ang magiging hangganan nito ay teritoryo ni Efraim mula sa silangan hanggang sa kanluran.

7Ang lahi ni Juda ay magkakaroon ng isang bahagi; ang magiging hangganan nito ay ang teritoryo ng lahi ni Ruben mula sa silangan hanggang sa kanluran.

8Ang lupain sa bandang hilaga ng Juda ay ibibigay ninyo sa Panginoon bilang tanging handog. Ang haba nito ay 13 kilometro at ang lawak ay mula rin sa silangan hanggang sa kanluran ng Israel, katulad din ng sa mga lahi ng Israel. Sa gitna ng lupang ito itatayo ang Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.