Ezekiel 48

Ang lupain sa bandang hilaga ng Juda ay ibibigay ninyo sa Panginoon bilang tanging handog. Ang haba nito ay 13 kilometro at ang lawak ay mula rin sa silangan hanggang sa kanluran ng Israel, katulad din ng sa mga lahi ng Israel. Sa gitna ng lupang ito itatayo ang Templo.

Ezekiel 48:8 (UKJV) And by the border of Judah, from the east side unto the west side, shall be the offering which all of you shall offer of five and twenty thousand reeds in breadth, and in length as one of the other parts, from the east side unto the west side: and the sanctuary shall be in the midst of it.

6Ang lahi ni Ruben ay magkakaroon ng isang bahagi; ang magiging hangganan nito ay teritoryo ni Efraim mula sa silangan hanggang sa kanluran.

7Ang lahi ni Juda ay magkakaroon ng isang bahagi; ang magiging hangganan nito ay ang teritoryo ng lahi ni Ruben mula sa silangan hanggang sa kanluran.

8Ang lupain sa bandang hilaga ng Juda ay ibibigay ninyo sa Panginoon bilang tanging handog. Ang haba nito ay 13 kilometro at ang lawak ay mula rin sa silangan hanggang sa kanluran ng Israel, katulad din ng sa mga lahi ng Israel. Sa gitna ng lupang ito itatayo ang Templo.

9Ang bahaging ibibigay ninyo sa Panginoon upang pagtayuan ng Templo ay 13 kilometro ang haba at mga limang kilometro ang lawak.

10At ang natitirang kalahati ng lupaing ito ay ibibigay sa mga pari, 13 kilometro ang haba mula sa silangan hanggang sa kanluran, at mga limang kilometro ang lawak mula timog hanggang hilaga. Sa gitna nito ay ang Templo ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.