22Pababayaan kong lapastanganin nila at nakawan ang aking Templo. Papasukin at lalapastanganin ito ng mga magnanakaw.
23“ ‘Bibihagin ang aking mga mamamayan dahil puro patayan at puno ng karahasan ang kanilang lungsod.
24Dadalhin ko ang pinakamasasamang bansa upang sakupin ang kanilang mga tahanan. Tatapusin ko ang pagmamataas ng kanilang mga makapangyarihang tao, at ipalalapastangan ko ang mga sambahan nila.
25Darating sa kanila ang takot at hahanapin nila kapayapaan ngunit hindi nila ito matatagpuan.
26Darating sa kanila ang sunod-sunod na panganib at masasamang balita. Magtatanong sila sa mga propeta, pero wala silang matatanggap na kasagutan. Magpapaturo sila sa mga pari at hihingi ng payo sa mga tagapamahala, pero hindi sila tuturuan at papayuhan.