Ezekiel 7

“Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: ‘Darating sa inyo ang sunod-sunod na kapahamakan.

Ezekiel 7:5 (UKJV) Thus says the Lord GOD; An evil, an only evil, behold, has come.

3Katapusan na ninyo, dahil ipaparamdam ko na ang galit ko. Hahatulan ko kayo ayon sa pamumuhay ninyo at pagbabayarin ko na kayo ayon sa lahat ng kasuklam-suklam na ginawa ninyo.

4Hindi ko na kayo kahahabagan. Hindi ko kayo pagbibigyan. Hahatulan ko kayo sa inyong pamumuhay at sa inyong kasuklam-suklam na ginawa. Kaya malalaman ninyo na ako ang Panginoon.’

5“Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: ‘Darating sa inyo ang sunod-sunod na kapahamakan.

6Ito na ang wakas! Ito na ang katapusan ninyo!

7Kayong mga nakatira sa lupain ng Israel, dumating na sa inyo ang kapahamakan. Malapit na ang oras na magkakagulo kayo. Tapos na ang maliligayang araw ninyo sa mga kabundukan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.