Ezekiel 7

Hindi ko na kayo kahahabagan. Hindi ko kayo pagbibigyan. Hahatulan ko kayo sa inyong pamumuhay at sa inyong kasuklam-suklam na ginawa. Kaya malalaman ninyo na ako ang Panginoon.’

Ezekiel 7:4 (UKJV) And mine eye shall not spare you, neither will I have pity: but I will recompense your ways upon you, and yours abominations shall be in the midst of you: and all of you shall know that I am the LORD.

2“Anak ng tao, ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi sa bansang Israel: ‘Ito na ang katapusan ng buong lupain ng Israel.

3Katapusan na ninyo, dahil ipaparamdam ko na ang galit ko. Hahatulan ko kayo ayon sa pamumuhay ninyo at pagbabayarin ko na kayo ayon sa lahat ng kasuklam-suklam na ginawa ninyo.

4Hindi ko na kayo kahahabagan. Hindi ko kayo pagbibigyan. Hahatulan ko kayo sa inyong pamumuhay at sa inyong kasuklam-suklam na ginawa. Kaya malalaman ninyo na ako ang Panginoon.’

5“Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: ‘Darating sa inyo ang sunod-sunod na kapahamakan.

6Ito na ang wakas! Ito na ang katapusan ninyo!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.