Ezekiel 8

Pagkatapos, dinala ako ng Panginoon sa pintuan ng Templo sa hilaga at nakita ko roon ang mga babaeng nakaupo at umiiyak para sa diyos-diyosang si Tamuz.

Ezekiel 8:14 (UKJV) Then he brought me to the door of the gate of the LORD's house which was toward the north; and, behold, there sat women weeping for Tammuz.

12Sinabi sa akin ng Diyos, “Anak ng tao, nakita mo ba kung ano ang lihim na ginagawa ng mga pinuno ng Israel? Ang bawat isa sa kanilaʼy nasa silid ng kanyang diyos-diyosan. Sinasabi nilang hindi na nakatingin sa kanila ang Panginoon at itinakwil na niya ang Israel.”

13Sinabi pa ng Diyos, “Makikita mo pa ang mas kasuklam-suklam nilang ginagawa.”

14Pagkatapos, dinala ako ng Panginoon sa pintuan ng Templo sa hilaga at nakita ko roon ang mga babaeng nakaupo at umiiyak para sa diyos-diyosang si Tamuz.

15Sinabi sa akin ng Panginoon, “Anak ng tao, nakikita mo ba ito? May makikita ka pang mas kasuklam-suklam na bagay kaysa riyan.”

16Pagkatapos, dinala niya ako sa loob ng bakuran ng Templo ng Panginoon. At doon sa pintuan ng Templo, sa pagitan ng balkonahe at ng altar ay may dalawampuʼt limang tao. Nakatalikod sila sa Templo at nakaharap sa silangan at nakayuko na sumasamba sa araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.