Ezekiel 8

Pagkatapos, dinala niya ako sa loob ng bakuran ng Templo ng Panginoon. At doon sa pintuan ng Templo, sa pagitan ng balkonahe at ng altar ay may dalawampuʼt limang tao. Nakatalikod sila sa Templo at nakaharap sa silangan at nakayuko na sumasamba sa araw.

Ezekiel 8:16 (UKJV) And he brought me into the inner court of the LORD's house, and, behold, at the door of the temple of the LORD, between the porch and the altar, were about five and twenty men, with their backs toward the temple of the LORD, and their faces toward the east; and they worshipped the sun toward the east.

14Pagkatapos, dinala ako ng Panginoon sa pintuan ng Templo sa hilaga at nakita ko roon ang mga babaeng nakaupo at umiiyak para sa diyos-diyosang si Tamuz.

15Sinabi sa akin ng Panginoon, “Anak ng tao, nakikita mo ba ito? May makikita ka pang mas kasuklam-suklam na bagay kaysa riyan.”

16Pagkatapos, dinala niya ako sa loob ng bakuran ng Templo ng Panginoon. At doon sa pintuan ng Templo, sa pagitan ng balkonahe at ng altar ay may dalawampuʼt limang tao. Nakatalikod sila sa Templo at nakaharap sa silangan at nakayuko na sumasamba sa araw.

17Pagkatapos, sinabi ng Diyos sa akin, “Anak ng tao, nakikita mo ba ito? Pangkaraniwan na lang ba sa mga taga-Juda ang paggawa ng kasuklam-suklam na mga bagay dito? Maliban diyan, ginagawa pa nila ang mga karahasan sa buong bansa, kaya lalo pa nila akong ginagalit. Tingnan mo ang mga paglapastangan nila sa akin.

18Kaya matitikman nila ang galit ko. Hindi ko sila kahahabagan. Kahit sumigaw pa sila sa paghingi ng tulong sa akin, hindi ko sila pakikinggan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.