Ezekiel 9

Pagkatapos, may anim na taong pumasok sa hilagang pintuan ng Templo. Lahat silaʼy may dalang sandata. May kasama silang taong nakadamit ng lino at may panulat sa baywang. Tumayo sila sa tabi ng tansong altar.

Ezekiel 9:2 (UKJV) And, behold, six men came from the way of the higher gate, which lies toward the north, and every man a slaughter weapon in his hand; and one man among them was clothed with linen, with a writer's ink holder by his side: and they went in, and stood beside the brazen altar.

1Pagkatapos, narinig ko ang Diyos na nagsasalita nang malakas, “Halikayo sa Jerusalem, kayong mga magpaparusa sa lungsod na ito. Dalhin ninyo ang inyong mga sandata.”

2Pagkatapos, may anim na taong pumasok sa hilagang pintuan ng Templo. Lahat silaʼy may dalang sandata. May kasama silang taong nakadamit ng lino at may panulat sa baywang. Tumayo sila sa tabi ng tansong altar.

3Mula pa noon, ang kapangyarihan ng Diyos ng Israel ay nasa itaas ng mga kerubin sa loob ng Templo, ngayon ay umalis na roon at lumipat sa pintuan ng Templo. Pagkatapos, tinawag ng Panginoon ang taong nakadamit ng lino at may panulat sa baywang,

4at sinabi ng Panginoon sa kanya, “Libutin mo ang buong lungsod ng Jerusalem at tatakan mo ang noo ng mga taong nagdadalamhati dahil sa mga kasuklam-suklam na mga ginagawa roon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.