Ezekiel 9

Pagkatapos, narinig ko ang Diyos na nagsasalita nang malakas, “Halikayo sa Jerusalem, kayong mga magpaparusa sa lungsod na ito. Dalhin ninyo ang inyong mga sandata.”

Ezekiel 9:1 (UKJV) He cried also in mine ears with a loud voice, saying, Cause them that have charge over the city to draw near, even every man with his destroying weapon in his hand.

1Pagkatapos, narinig ko ang Diyos na nagsasalita nang malakas, “Halikayo sa Jerusalem, kayong mga magpaparusa sa lungsod na ito. Dalhin ninyo ang inyong mga sandata.”

2Pagkatapos, may anim na taong pumasok sa hilagang pintuan ng Templo. Lahat silaʼy may dalang sandata. May kasama silang taong nakadamit ng lino at may panulat sa baywang. Tumayo sila sa tabi ng tansong altar.

3Mula pa noon, ang kapangyarihan ng Diyos ng Israel ay nasa itaas ng mga kerubin sa loob ng Templo, ngayon ay umalis na roon at lumipat sa pintuan ng Templo. Pagkatapos, tinawag ng Panginoon ang taong nakadamit ng lino at may panulat sa baywang,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.