Ezra 10

Habang nakaluhod si Ezra na nananalangin sa harapan ng bahay ng Diyos, umiiyak siya at nagpapahayag ng mga kasalanan ng mga mamamayan ng Israel. Maraming Israelitang lalaki, babae, at mga kabataan ang nakapaligid sa kanya na umiiyak din nang malakas.

Ezra 10:1 (UKJV) Now when Ezra had prayed, and when he had confessed, weeping and casting himself down before the house of God, there assembled unto him out of Israel a very great congregation of men and women and children: for the people wept very sore.

1Habang nakaluhod si Ezra na nananalangin sa harapan ng bahay ng Diyos, umiiyak siya at nagpapahayag ng mga kasalanan ng mga mamamayan ng Israel. Maraming Israelitang lalaki, babae, at mga kabataan ang nakapaligid sa kanya na umiiyak din nang malakas.

2Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Secanias na anak ni Jehiel, na angkan ni Elam, “Hindi kami naging tapat sa Diyos natin dahil nagsipag-asawa kami ng mga dayuhang babae na galing sa mga sambayanang nasa paligid natin. Ngunit sa kabila nito, may pag-asa pa rin ang Israel.

3Kaya ngayon, susundin namin ang payo nʼyo at ng iba pang gumagalang sa mga utos ng ating Diyos. Gagawa kami ng kasunduan sa ating Diyos na palalayasin namin ang mga babaeng ito pati na ang kanilang mga anak. Tutuparin namin ang sinasabi ng Kautusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.