Ezra 10

Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Secanias na anak ni Jehiel, na angkan ni Elam, “Hindi kami naging tapat sa Diyos natin dahil nagsipag-asawa kami ng mga dayuhang babae na galing sa mga sambayanang nasa paligid natin. Ngunit sa kabila nito, may pag-asa pa rin ang Israel.

Ezra 10:2 (UKJV) And Shechaniah the son of Jehiel, one of the sons of Elam, answered and said unto Ezra, We have trespassed against our God, and have taken strange wives of the people of the land: yet now there is hope in Israel concerning this thing.

1Habang nakaluhod si Ezra na nananalangin sa harapan ng bahay ng Diyos, umiiyak siya at nagpapahayag ng mga kasalanan ng mga mamamayan ng Israel. Maraming Israelitang lalaki, babae, at mga kabataan ang nakapaligid sa kanya na umiiyak din nang malakas.

2Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Secanias na anak ni Jehiel, na angkan ni Elam, “Hindi kami naging tapat sa Diyos natin dahil nagsipag-asawa kami ng mga dayuhang babae na galing sa mga sambayanang nasa paligid natin. Ngunit sa kabila nito, may pag-asa pa rin ang Israel.

3Kaya ngayon, susundin namin ang payo nʼyo at ng iba pang gumagalang sa mga utos ng ating Diyos. Gagawa kami ng kasunduan sa ating Diyos na palalayasin namin ang mga babaeng ito pati na ang kanilang mga anak. Tutuparin namin ang sinasabi ng Kautusan.

4Tumayo po kayo, dahil tungkulin nʼyo na gabayan kami sa mga bagay na ito. Magpakatatag kayo at gawin ang nararapat. Tutulungan namin kayo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.