Ezra 10

Kaya sa loob ng tatlong araw, nagtipon ang buong mamamayan ng Juda at Benjamin, at naupo sila doon sa plasa ng bahay ng Diyos sa Jerusalem. Nangyari ito nang ikadalawampung araw ng ikasiyam na buwan. Nanginginig ang mga tao dahil napakaseryoso ng pinag-uusapan nila at dahil sa malakas na ulan.

Ezra 10:9 (UKJV) Then all the men of Judah and Benjamin gathered themselves together unto Jerusalem within three days. It was the ninth month, on the twentieth day of the month; and all the people sat in the street of the house of God, trembling because of this matter, and for the great rain.

7Nagpalabas ng mensahe sa buong Juda at Jerusalem ang mga tagapamahala sa mga Israelita, ipinapabatid na ang lahat ng bumalik galing sa pagkabihag ay magtipon sa Jerusalem.

8At ang sinumang hindi darating sa loob ng tatlong araw, ayon sa utos ng mga pinuno at tagapangasiwa, ay kukunin sa kanya ang lahat ng kanyang ari-arian, at hindi na siya ituturing na bahagi ng mga bumalik mula sa pagkabihag.

9Kaya sa loob ng tatlong araw, nagtipon ang buong mamamayan ng Juda at Benjamin, at naupo sila doon sa plasa ng bahay ng Diyos sa Jerusalem. Nangyari ito nang ikadalawampung araw ng ikasiyam na buwan. Nanginginig ang mga tao dahil napakaseryoso ng pinag-uusapan nila at dahil sa malakas na ulan.

10Pagkatapos, tumayo si Ezra, na pari, at sinabi, “Nagkasala kayo dahil nagsipag-asawa kayo ng mga dayuhan. Dahil dito, dinagdagan nʼyo pa ang kasalanan ng Israel.

11Ngayon, ipahayag nʼyo ang mga kasalanan nʼyo sa Panginoon ng mga ninuno nʼyo, at gawin nʼyo ang kalooban niya. Ibukod nʼyo ang sarili nʼyo sa mga tao sa paligid ninyo, at hiwalayan nʼyo ang mga asawa nʼyong dayuhan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.