Ezra 10

At ang sinumang hindi darating sa loob ng tatlong araw, ayon sa utos ng mga pinuno at tagapangasiwa, ay kukunin sa kanya ang lahat ng kanyang ari-arian, at hindi na siya ituturing na bahagi ng mga bumalik mula sa pagkabihag.

Ezra 10:8 (UKJV) And that whosoever would not come within three days, according to the counsel of the princes and the elders, all his substance should be forfeited, and himself separated from the congregation of those that had been carried away.

6Pagkatapos, umalis si Ezra sa harapan ng bahay ng Diyos at pumunta sa kuwarto ni Jehohanan na anak ni Eliasib. Pagdating niya roon, hindi siya kumain at uminom, dahil nalulungkot siya dahil hindi naging tapat ang mga Israelitang bumalik mula sa pagkabihag.

7Nagpalabas ng mensahe sa buong Juda at Jerusalem ang mga tagapamahala sa mga Israelita, ipinapabatid na ang lahat ng bumalik galing sa pagkabihag ay magtipon sa Jerusalem.

8At ang sinumang hindi darating sa loob ng tatlong araw, ayon sa utos ng mga pinuno at tagapangasiwa, ay kukunin sa kanya ang lahat ng kanyang ari-arian, at hindi na siya ituturing na bahagi ng mga bumalik mula sa pagkabihag.

9Kaya sa loob ng tatlong araw, nagtipon ang buong mamamayan ng Juda at Benjamin, at naupo sila doon sa plasa ng bahay ng Diyos sa Jerusalem. Nangyari ito nang ikadalawampung araw ng ikasiyam na buwan. Nanginginig ang mga tao dahil napakaseryoso ng pinag-uusapan nila at dahil sa malakas na ulan.

10Pagkatapos, tumayo si Ezra, na pari, at sinabi, “Nagkasala kayo dahil nagsipag-asawa kayo ng mga dayuhan. Dahil dito, dinagdagan nʼyo pa ang kasalanan ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.