Ezra 3

Ipinagdiwang din nila ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol ayon sa nakasulat sa Kautusan. At nag-alay sila ng mga handog na sinusunog, na kinakailangang ihandog sa bawat araw ng ganitong pista.

Ezra 3:4 (UKJV) They kept also the feast of tabernacles, as it is written, and offered the daily burnt offerings by number, according to the custom, as the duty of every day required;

2Pagkatapos, muling itinayo ang altar ng Diyos ng Israel upang makapag-alay dito ng mga handog na sinusunog ayon sa nakasulat sa Kautusan ni Moises na kanyang lingkod. Ang nagpatayo nito ay si Jeshua na anak ni Josadac at ang iba pa niyang mga kasamahang pari, at si Zerubabel na anak ni Selatiel at ang mga kamag-anak niya.

3Kahit takot sila sa mga taong dati nang nakatira sa lupaing iyon, itinayo nila ang altar sa dating pinagtayuan nito. Pagkatapos, nag-alay sila sa Panginoon ng mga handog na sinusunog sa umaga at gabi.

4Ipinagdiwang din nila ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol ayon sa nakasulat sa Kautusan. At nag-alay sila ng mga handog na sinusunog, na kinakailangang ihandog sa bawat araw ng ganitong pista.

5Bukod pa sa mga handog na sinusunog, naghahandog din sila ng mga handog sa bawat Pista ng Bagong Buwan, at sa iba pang mga pista sa pagsamba sa Panginoon. At nag-aalay din sila ng handog na kusang-loob para sa Panginoon.

6Kahit hindi pa nasisimulan ang muling pagpapatayo ng Templo ng Panginoon, nagsimula na ang mga Israelita sa pag-aalay ng mga handog na sinusunog sa unang araw ng ikapitong buwan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.