Ezra 4

“Mahal na Hari, gusto po naming malaman ninyo na muling ipinapatayo ng mga Hudyo ang lungsod ng Jerusalem. Ang mamamayan nito ay masasama at rebelde. Dumating ang mga ito sa lungsod mula sa mga lugar na inyong nasasakupan. Inaayos na nga nila ang mga pader pati na po ang mga pundasyon nito.

Ezra 4:12 (UKJV) Be it known unto the king, that the Jews which came up from you to us are come unto Jerusalem, building the rebellious and the bad city, and have set up the walls thereof, and joined the foundations.

10kasama ng mga ibang bansang pinaalis at inilipat ng tanyag at makapangyarihang si Asurbanipal sa lungsod ng Samaria at sa ibang mga lugar sa kanluran ng Ilog Eufrates.

11Ito ang nilalaman ng kanilang sulat: Mahal na Haring Artaherhes, Mula sa inyong mga lingkod dito sa lalawigan ng kanluran ng Ilog Eufrates:

12“Mahal na Hari, gusto po naming malaman ninyo na muling ipinapatayo ng mga Hudyo ang lungsod ng Jerusalem. Ang mamamayan nito ay masasama at rebelde. Dumating ang mga ito sa lungsod mula sa mga lugar na inyong nasasakupan. Inaayos na nga nila ang mga pader pati na po ang mga pundasyon nito.

13“Mahal na Hari, kapag muli pong naipatayo ang lungsod na ito at naayos na ang mga pader nito, hindi na magbabayad ng mga buwis at ng iba pang bayarin ang mga tao, at liliit na ang kita ng kaharian.

14Dahil nga po may tungkulin kami sa inyo, Mahal na Hari, at hindi namin gustong mapahiya kayo, ipinapaalam namin ito sa inyo

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.