Ezra 4

kasama ng mga ibang bansang pinaalis at inilipat ng tanyag at makapangyarihang si Asurbanipal sa lungsod ng Samaria at sa ibang mga lugar sa kanluran ng Ilog Eufrates.

Ezra 4:10 (UKJV) And the rest of the nations whom the great and noble Asnapper brought over, and set in the cities of Samaria, and the rest that are on this side the river, and at such a time.

8Sumulat din kay Haring Artaherhes si Rehum na gobernador at si Simsai na kalihim laban sa mga taga-Jerusalem. Ganito ang sinabi nila:

9Mula kay Rehum na gobernador, Simsai na kalihim, at iba pa nilang kasamahang mga hukom, pinuno, at opisyal, mga taga-Persia, Erec, Babilonia, at mga mamamayan ng Susa na mga Elamita,

10kasama ng mga ibang bansang pinaalis at inilipat ng tanyag at makapangyarihang si Asurbanipal sa lungsod ng Samaria at sa ibang mga lugar sa kanluran ng Ilog Eufrates.

11Ito ang nilalaman ng kanilang sulat: Mahal na Haring Artaherhes, Mula sa inyong mga lingkod dito sa lalawigan ng kanluran ng Ilog Eufrates:

12“Mahal na Hari, gusto po naming malaman ninyo na muling ipinapatayo ng mga Hudyo ang lungsod ng Jerusalem. Ang mamamayan nito ay masasama at rebelde. Dumating ang mga ito sa lungsod mula sa mga lugar na inyong nasasakupan. Inaayos na nga nila ang mga pader pati na po ang mga pundasyon nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.