6Nang maging hari si Asuero, ang mga kalaban ng mga naninirahan sa Jerusalem at ng iba pang mga nakatira sa Juda ay sumulat ng mga paratang laban sa kanila.
7At kahit na noong si Artaherhes na ang hari ng Persia, sumulat din sila sa kanya. Sila ay sina Bislam, Mitredat, Tabeel, at ang iba pa nilang mga kasama. Isinulat nila ito sa wikang Arameo at isinalin sa wika ng mga taga-Persia.
8Sumulat din kay Haring Artaherhes si Rehum na gobernador at si Simsai na kalihim laban sa mga taga-Jerusalem. Ganito ang sinabi nila:
9Mula kay Rehum na gobernador, Simsai na kalihim, at iba pa nilang kasamahang mga hukom, pinuno, at opisyal, mga taga-Persia, Erec, Babilonia, at mga mamamayan ng Susa na mga Elamita,
10kasama ng mga ibang bansang pinaalis at inilipat ng tanyag at makapangyarihang si Asurbanipal sa lungsod ng Samaria at sa ibang mga lugar sa kanluran ng Ilog Eufrates.