Ezra 4

At kahit na noong si Artaherhes na ang hari ng Persia, sumulat din sila sa kanya. Sila ay sina Bislam, Mitredat, Tabeel, at ang iba pa nilang mga kasama. Isinulat nila ito sa wikang Arameo at isinalin sa wika ng mga taga-Persia.

Ezra 4:7 (UKJV) And in the days of Artaxerxes wrote Bishlam, Mithredath, Tabeel, and the rest of their companions, unto Artaxerxes king of Persia; and the writing of the letter was written in the Syrian tongue, and interpreted in the Syrian tongue.

5Sinuhulan nila ang ilang mga opisyal ng gobyerno ng Persia para salungatin at sirain ang mga plano ng mga tao sa Juda. Patuloy nila itong ginagawa sa panahong si Ciro ang hari ng Persia hanggang sa panahong si Dario na ang hari ng Persia.

6Nang maging hari si Asuero, ang mga kalaban ng mga naninirahan sa Jerusalem at ng iba pang mga nakatira sa Juda ay sumulat ng mga paratang laban sa kanila.

7At kahit na noong si Artaherhes na ang hari ng Persia, sumulat din sila sa kanya. Sila ay sina Bislam, Mitredat, Tabeel, at ang iba pa nilang mga kasama. Isinulat nila ito sa wikang Arameo at isinalin sa wika ng mga taga-Persia.

8Sumulat din kay Haring Artaherhes si Rehum na gobernador at si Simsai na kalihim laban sa mga taga-Jerusalem. Ganito ang sinabi nila:

9Mula kay Rehum na gobernador, Simsai na kalihim, at iba pa nilang kasamahang mga hukom, pinuno, at opisyal, mga taga-Persia, Erec, Babilonia, at mga mamamayan ng Susa na mga Elamita,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.