Ezra 4

Mula kay Rehum na gobernador, Simsai na kalihim, at iba pa nilang kasamahang mga hukom, pinuno, at opisyal, mga taga-Persia, Erec, Babilonia, at mga mamamayan ng Susa na mga Elamita,

Ezra 4:9 (UKJV) Then wrote Rehum the chancellor, and Shimshai the scribe, and the rest of their companions; the Dinaites, the Apharsathchites, the Tarpelites, the Apharsites, the Archevites, the Babylonians, the Susanchites, the Dehavites, and the Elamites,

7At kahit na noong si Artaherhes na ang hari ng Persia, sumulat din sila sa kanya. Sila ay sina Bislam, Mitredat, Tabeel, at ang iba pa nilang mga kasama. Isinulat nila ito sa wikang Arameo at isinalin sa wika ng mga taga-Persia.

8Sumulat din kay Haring Artaherhes si Rehum na gobernador at si Simsai na kalihim laban sa mga taga-Jerusalem. Ganito ang sinabi nila:

9Mula kay Rehum na gobernador, Simsai na kalihim, at iba pa nilang kasamahang mga hukom, pinuno, at opisyal, mga taga-Persia, Erec, Babilonia, at mga mamamayan ng Susa na mga Elamita,

10kasama ng mga ibang bansang pinaalis at inilipat ng tanyag at makapangyarihang si Asurbanipal sa lungsod ng Samaria at sa ibang mga lugar sa kanluran ng Ilog Eufrates.

11Ito ang nilalaman ng kanilang sulat: Mahal na Haring Artaherhes, Mula sa inyong mga lingkod dito sa lalawigan ng kanluran ng Ilog Eufrates:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.