Ezra 4

Nag-utos akong saliksikin ang mga kasulatan, at napatunayan na ang mga dating naninirahan sa Jerusalem ay naghihimagsik nga laban sa mga hari. Nakasanayan na nga ng lugar na iyan ang pagrerebelde at pagsalungat sa pamahalaan.

Ezra 4:19 (UKJV) And I commanded, and search has been made, and it is found that this city of old time has made insurrection against kings, and that rebellion and sedition have been made therein.

17Ito ang sagot na ipinadala ng hari: “Kay Gobernador Rehum, kay Simsai na kalihim, at sa inyong mga kasama na nakatira sa Samaria at sa iba pang mga lugar sa kanluran ng Eufrates. “Nawaʼy nasa mabuti kayong kalagayan.”

18“Ang sulat na inyong ipinadala ay isinalin sa wika namin at binasa sa akin.

19Nag-utos akong saliksikin ang mga kasulatan, at napatunayan na ang mga dating naninirahan sa Jerusalem ay naghihimagsik nga laban sa mga hari. Nakasanayan na nga ng lugar na iyan ang pagrerebelde at pagsalungat sa pamahalaan.

20Ang Jerusalem ay pinamahalaan at pinagbayad ng buwis at ng iba pang bayarin ng mga makapangyarihang hari, na namuno sa buong lalawigan sa kanluran ng Ilog Eufrates.

21Ngayon, ipag-utos nʼyong itigil ng mga taong iyan ang muling pagpapatayo ng lungsod hanggaʼt hindi ko iniuutos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.