18“Ang sulat na inyong ipinadala ay isinalin sa wika namin at binasa sa akin.
19Nag-utos akong saliksikin ang mga kasulatan, at napatunayan na ang mga dating naninirahan sa Jerusalem ay naghihimagsik nga laban sa mga hari. Nakasanayan na nga ng lugar na iyan ang pagrerebelde at pagsalungat sa pamahalaan.
20Ang Jerusalem ay pinamahalaan at pinagbayad ng buwis at ng iba pang bayarin ng mga makapangyarihang hari, na namuno sa buong lalawigan sa kanluran ng Ilog Eufrates.
21Ngayon, ipag-utos nʼyong itigil ng mga taong iyan ang muling pagpapatayo ng lungsod hanggaʼt hindi ko iniuutos.
22Gawin nʼyo agad ito upang hindi mapahamak ang aking kaharian.”