22Gawin nʼyo agad ito upang hindi mapahamak ang aking kaharian.”
23Pagkatapos basahin kina Rehum, Simsai, at sa mga kasama nila ang liham ni Haring Artaherhes, pumunta agad sila sa Jerusalem at pinilit ang mga Hudyo na itigil ang muling pagpapatayo ng lungsod.
24Kaya natigil ang pagpapatayo ng bahay ng Diyos sa Jerusalem hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario sa Persia.