10At tinanong din namin ang mga pangalan nila upang maipaalam namin sa inyo kung sino ang mga namumuno sa pagpapatayo nito.
11“Ito po ang sagot nila sa amin: “Mga lingkod kami ng Diyos ng langit at lupa, at muli naming ipinapatayo ang Templo na itinayo noon ng isang makapangyarihang hari ng Israel.
12Ngunit dahil ginalit ng aming mga ninuno ang Diyos sa langit, pinabayaan niya sila na sakupin ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia. Giniba ni Nebucadnezar ang Templong ito at binihag niya sa Babilonia ang aming mga ninuno.
13“Ngunit sa unang taon ng paghahari ni Haring Ciro sa Babilonia, nag-utos siya na muling ipatayo ang bahay ng Diyos.
14Ibinalik din niya ang mga kagamitang ginto at pilak ng Templo ng Diyos. Ang mga ito ay kinuha noon ni Nebucadnezar sa Templo ng Jerusalem at inilagay sa templo sa Babilonia. Ipinagkatiwala ni Haring Ciro ang mga kagamitang ito kay Sesbazar na pinili niyang gobernador ng Juda.