9Dapat ninyong bigyan araw-araw ang mga pari sa Jerusalem ng mga pangangailangan nila gaya ng batang toro, lalaking tupa, at batang lalaking tupa bilang handog na sinusunog para sa Diyos ng langit, pati na rin trigo, asin, alak, at langis. Dapat hindi kayo pumalya sa pagbibigay,
10upang makapag-alay sila ng mga handog na makakalugod sa Diyos ng langit, at maipanalangin ang ikabubuti ng hari at ng kanyang mga anak.
11“Iniuutos ko rin na ang sinumang hindi tutupad nito ay tutuhugin ng kahoy na tinanggal sa bahay niya, at ang bahay niya ay gigibain hanggang sa wala nang bahagi nito ang maiwang nakatayo.
12Nawaʼy ang Diyos na pumili sa Jerusalem bilang lugar kung saan siya sasambahin, ang siyang lumipol sa kahit sinong hari o kayaʼy bansa na hindi tutupad sa utos na ito at gigiba ng Templong ito sa Jerusalem. “Ako, si Dario, ang nag-utos nito. Dapat itong ipatupad nang lubusan.”
13Tinupad nila Tatenai na gobernador, Setar-bozenai, at ng mga kasama nila ang utos ni Haring Dario.