12Ako si Haring Artaherhes, ang hari ng mga hari. Nangungumusta ako sa iyo, Ezra, na pari at tagapagturo ng Kautusan ng Diyos ng langit.
13“Iniuutos ko na kahit sino sa mga Israelita rito sa kaharian ko, pati mga pari at mga Levita, na gustong sumáma sa iyo sa pagbalik sa Jerusalem ay maaari mong isama.
14Inuutusan kita at ng aking pitong tagapayo na alamin mo ang mga nangyayari sa Juda at sa Jerusalem kung talaga bang sinusunod nila ang Kautusan ng iyong Diyos, na lubos mong nalalaman.
15Dalhin mo rin ang mga ginto at pilak na kusang-loob kong ibinibigay at ng mga tagapayo ko sa Diyos ng Israel na nananahan sa Jerusalem.
16Kasama rin ang lahat ng pilak at ginto na matatanggap mo galing sa lalawigan ng Babilonia, pati na rin ang mga kusang-loob na tulong ng mga mamamayan at ng mga pari nila para sa Templo ng kanilang Diyos sa Jerusalem.