26Sinumang hindi tumupad sa Kautusan ng iyong Diyos o kayaʼy sa kautusan ng hari ay parurusahan ng kamatayan, o paaalisin sa lugar niya, o kukunin ang ari-arian niya, o ikukulong siya.”
27Sinabi ni Ezra, “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng mga ninuno natin, na humipo ng puso ng hari na parangalan niya ang bahay ng Panginoon sa Jerusalem.
28Dahil sa kabutihan sa akin ng Panginoon, mabuti ang pagtrato sa akin ng hari at ng mga tagapayo niya, at pati na ng lahat ng makapangyarihan niyang opisyal. At dahil nga tinutulungan ako ng Panginoon na aking Diyos, nagkaroon ako ng lakas ng loob upang tipunin ang mga pinuno ng Israel upang sumáma sa akin sa Jerusalem.”