Ezra 7

Sinumang hindi tumupad sa Kautusan ng iyong Diyos o kayaʼy sa kautusan ng hari ay parurusahan ng kamatayan, o paaalisin sa lugar niya, o kukunin ang ari-arian niya, o ikukulong siya.”

Ezra 7:26 (UKJV) And whosoever will not do the law of your God, and the law of the king, let judgment be executed speedily upon him, whether it be unto death, or to banishment, or to confiscation of goods, or to imprisonment.

24Ipinapaalam din namin sa inyo na huwag ninyong pagbayarin ng buwis at ng iba pang bayarin ang mga pari, mga Levita, mga musikero, mga tagapagbantay ng Templo, mga tagapaglingkod sa Templo, at iba pang nagtatrabaho sa Templo ng Diyos.

25“At ikaw, Ezra, ayon sa karunungang ibinigay sa iyo ng Diyos, pumili ka ng mga tagapamahala at mga hukom na nakakaalam ng Kautusan ng iyong Diyos at sila ang mangangasiwa sa lahat ng tao sa lalawigan sa kanluran ng Eufrates. At ang mga tao na hindi nakakaalam ng Kautusan ay turuan mo.

26Sinumang hindi tumupad sa Kautusan ng iyong Diyos o kayaʼy sa kautusan ng hari ay parurusahan ng kamatayan, o paaalisin sa lugar niya, o kukunin ang ari-arian niya, o ikukulong siya.”

27Sinabi ni Ezra, “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng mga ninuno natin, na humipo ng puso ng hari na parangalan niya ang bahay ng Panginoon sa Jerusalem.

28Dahil sa kabutihan sa akin ng Panginoon, mabuti ang pagtrato sa akin ng hari at ng mga tagapayo niya, at pati na ng lahat ng makapangyarihan niyang opisyal. At dahil nga tinutulungan ako ng Panginoon na aking Diyos, nagkaroon ako ng lakas ng loob upang tipunin ang mga pinuno ng Israel upang sumáma sa akin sa Jerusalem.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.