Ezra 8

Pagkatapos, ang lahat ng bumalik galing sa pagkabihag ay nag-alay sa Diyos ng Israel ng mga handog na sinusunog: labindalawang toro para sa buong Israel, siyamnapuʼt anim na lalaking tupa, at pitumpuʼt pitung batang lalaking tupa. Nag-alay din sila ng labindalawang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan. Ang lahat ng ito ay ang mga handog na sinusunog para sa Panginoon.

Ezra 8:35 (UKJV) Also the children of those that had been carried away, which were come out of the captivity, offered burnt offerings unto the God of Israel, twelve bullocks for all Israel, ninety and six rams, seventy and seven lambs, twelve he goats for a sin offering: all this was a burnt offering unto the LORD.

33Nang ikaapat na araw, pumunta kami sa bahay ng aming Diyos at ipinagkatiwala namin ang mga pilak, ginto, at mga kagamitan nang walang kulang kay Meremot na pari na anak ni Urias. Kasama niya si Eleazar na anak ni Finehas at ang dalawang Levita na sina Jozabad na anak ni Jeshua at Noadias na anak ni Binui.

34Binilang at tinimbang ito lahat, at inilista.

35Pagkatapos, ang lahat ng bumalik galing sa pagkabihag ay nag-alay sa Diyos ng Israel ng mga handog na sinusunog: labindalawang toro para sa buong Israel, siyamnapuʼt anim na lalaking tupa, at pitumpuʼt pitung batang lalaking tupa. Nag-alay din sila ng labindalawang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan. Ang lahat ng ito ay ang mga handog na sinusunog para sa Panginoon.

36Ibinigay din nila sa mga gobernador at mga opisyal ng lalawigan sa kanluran ng Eufrates ang dokumento kung saan nakasulat ang utos ng hari. At ang mga pinunong ito ay tumulong sa mga mamamayan at sa bahay ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.