31Umalis kami sa Ilog Ahava at naglakbay papuntang Jerusalem nang ikalabindalawang araw ng unang buwan. Tinulungan kami ng aming Diyos at iningatan kami sa mga kalaban at tulisan habang naglalakbay kami.
32Pagdating namin sa Jerusalem, nagpahinga muna kami ng tatlong araw.
33Nang ikaapat na araw, pumunta kami sa bahay ng aming Diyos at ipinagkatiwala namin ang mga pilak, ginto, at mga kagamitan nang walang kulang kay Meremot na pari na anak ni Urias. Kasama niya si Eleazar na anak ni Finehas at ang dalawang Levita na sina Jozabad na anak ni Jeshua at Noadias na anak ni Binui.
34Binilang at tinimbang ito lahat, at inilista.
35Pagkatapos, ang lahat ng bumalik galing sa pagkabihag ay nag-alay sa Diyos ng Israel ng mga handog na sinusunog: labindalawang toro para sa buong Israel, siyamnapuʼt anim na lalaking tupa, at pitumpuʼt pitung batang lalaking tupa. Nag-alay din sila ng labindalawang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan. Ang lahat ng ito ay ang mga handog na sinusunog para sa Panginoon.