6Sinabi ko, “Diyos ko, hiyang-hiya po ako. Hindi ako makatingala sa inyo sa sobrang hiya, dahil sobra na ang mga kasalanan namin; parang umaapaw na po ito sa ulo namin at umabot na sa langit.
7Simula pa po sa kapanahunan ng mga ninuno namin hanggang ngayon, sobra na ang kasalanan namin; at dahil dito, kami at ang aming mga hari at mga pari ay palaging sinasakop ng mga hari ng ibang mga bansa. Pinatay nila ang iba sa amin, at ang iba naman ay binihag, ninakawan at pinahiya, katulad ng nangyayari sa amin ngayon.
8“At ngayon, sa maikling panahon, kinahabagan nʼyo po kami, Panginoon na aming Diyos. Niloob nʼyong may matira sa amin, at pinatira nʼyo kami nang may katiyakan sa banal na lugar na ito na inyong pinili. Binigyan nʼyo po kami ng pag-asa at pinagaan nʼyo ang aming kalagayan sa pagkaalipin.
9Kahit mga alipin kami, hindi nʼyo kami pinabayaan sa pagkaalipin, sa halip ipinapakita nʼyo sa amin ang inyong pag-ibig sa pamamagitan ng mabuting pagtrato ng mga hari ng Persia sa amin. Ginawa nʼyo ito upang mabigyan kami ng bagong buhay, at upang maipatayo namin muli ang Templo nʼyong nagiba, at mabigyan nʼyo po kami ng kalinga sa Juda at Jerusalem.
10“Ngunit ngayong nagkasala kami, O aming Diyos, ano pa ang masasabi namin? Sapagkat binalewala namin ang mga utos nʼyo