Mga Taga-Galacia 1

Gusto kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo ay hindi lang gawa-gawa ng tao,

Galatians 1:11 (UKJV) But I certify you, brethren, that the gospel which was preached of me is not after man.

9Sinabi na namin sa inyo noon at muli kong sasabihin: Kung may mangangaral sa inyo ng magandang balita na iba kaysa sa tinanggap ninyo, sumpain siya ng Diyos!

10Sa tingin ba ninyoʼy papuri ng tao ang hinahanap ko? Hindi! Ang nais ko lang ay malugod sa akin ang Diyos. Kung papuri lang ng tao ang hinahanap ko, hindi ako tunay na lingkod ni Kristo.

11Gusto kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo ay hindi lang gawa-gawa ng tao,

12dahil hindi ko ito tinanggap o natutunan mula sa tao, kundi ipinahayag mismo ito sa akin ni Hesu-Kristo.

13Alam naman ninyo ang dati kong pamumuhay noong kasapi ako sa relihiyon ng mga Hudyo. Inusig ko nang lubos ang iglesya ng Diyos at sinikap ko itong lipulin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.