Mga Taga-Galacia 1

Alam naman ninyo ang dati kong pamumuhay noong kasapi ako sa relihiyon ng mga Hudyo. Inusig ko nang lubos ang iglesya ng Diyos at sinikap ko itong lipulin.

Galatians 1:13 (UKJV) For all of you have heard of my conversation in time past in the Jews' religion, how that beyond measure I persecuted the church of God, and wasted it:

11Gusto kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo ay hindi lang gawa-gawa ng tao,

12dahil hindi ko ito tinanggap o natutunan mula sa tao, kundi ipinahayag mismo ito sa akin ni Hesu-Kristo.

13Alam naman ninyo ang dati kong pamumuhay noong kasapi ako sa relihiyon ng mga Hudyo. Inusig ko nang lubos ang iglesya ng Diyos at sinikap ko itong lipulin.

14At tungkol naman sa pagsunod sa relihiyon ng mga Hudyo, nahigitan ko ang marami sa mga kaedad ko, dahil masigasig kong sinunod ang mga tradisyong nanggaling pa sa mga ninuno namin.

15Ngunit sa biyaya ng Diyos, bago pa man ako ipanganak, pinili na niya ako at tinawag para ihayag sa akin ang kanyang Anak upang maipangaral siya sa mga Hentil. Nang mangyari ito, hindi ako sumangguni kaninuman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.