12dahil hindi ko ito tinanggap o natutunan mula sa tao, kundi ipinahayag mismo ito sa akin ni Hesu-Kristo.
13Alam naman ninyo ang dati kong pamumuhay noong kasapi ako sa relihiyon ng mga Hudyo. Inusig ko nang lubos ang iglesya ng Diyos at sinikap ko itong lipulin.
14At tungkol naman sa pagsunod sa relihiyon ng mga Hudyo, nahigitan ko ang marami sa mga kaedad ko, dahil masigasig kong sinunod ang mga tradisyong nanggaling pa sa mga ninuno namin.
15Ngunit sa biyaya ng Diyos, bago pa man ako ipanganak, pinili na niya ako at tinawag para ihayag sa akin ang kanyang Anak upang maipangaral siya sa mga Hentil. Nang mangyari ito, hindi ako sumangguni kaninuman.