Mga Taga-Galacia 2

Ang mga namumuno sa mga mananampalataya sa Jerusalem ay wala namang idinagdag sa mga itinuturo ko. (Kung sabagay hindi mahalaga sa akin kung sinuman sila, dahil walang itinatangi ang Diyos.)

Galatians 2:6 (UKJV) But of these who seemed to be somewhat, (whatsoever they were, it makes no matter to me: God accepts no man's person:) for they who seemed to be somewhat in conference added nothing to me:

4Lumabas ang usapin tungkol sa pagtutuli dahil sa ilang mga nagpapanggap na mga kapatid na nakisalamuha sa atin upang sirain ang kalayaang natamo natin kay Kristo Hesus, at gawin ulit tayong alipin.

5Ngunit kahit minsan, hindi kami sumang-ayon sa gusto nila, upang maingatan namin para sa inyo ang mga katotohanang itinuturo ng Magandang Balita.

6Ang mga namumuno sa mga mananampalataya sa Jerusalem ay wala namang idinagdag sa mga itinuturo ko. (Kung sabagay hindi mahalaga sa akin kung sinuman sila, dahil walang itinatangi ang Diyos.)

7Sa halip na dagdagan nila ang mga itinuturo ko, kinilala nilang pinagkatiwalaan ako ng Diyos sa pagpapahayag ng Magandang Balita sa mga Hentil, tulad ni Pedro na pinagkatiwalaan sa pagpapahayag ng Magandang Balita sa mga Hudyo.

8Sapagkat ang Diyos na kumikilos sa gawain ni Pedro bilang apostol sa mga Hudyo ang siya ring kumikilos sa gawain ko bilang apostol sa mga Hentil.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.