Mga Taga-Galacia 3

Ngunit ang lahat ng umaasang maituturing na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ay isinumpa na ng Diyos. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Isinusumpa ang sinumang hindi sumusunod sa lahat ng nasusulat sa Aklat ng Kautusan.”

Galatians 3:10 (UKJV) For as many as are of the works of the law are under the curse: for it is written, Cursed is every one that continues not in all things which are written in the book of the law to do them.

8Noon pa man, sinasabi na sa Kasulatan na ituturing na matuwid ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng pananampalataya nila. At ang Magandang Balitang itoʼy ipinahayag ng Diyos kay Abraham nang sabihin niya, “Pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa pamamagitan mo.”

9Sumampalataya si Abraham sa Diyos at pinagpala siya. Kaya lahat ng sumasampalataya sa Diyos ay pinagpapala rin tulad ni Abraham.

10Ngunit ang lahat ng umaasang maituturing na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ay isinumpa na ng Diyos. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Isinusumpa ang sinumang hindi sumusunod sa lahat ng nasusulat sa Aklat ng Kautusan.”

11Malinaw na walang taong ituturing na matuwid sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, sapagkat sinasabi ng Kasulatan, “Ang taong itinuring na matuwid ng Diyos dahil sa pananampalataya niya ay mabubuhay.”

12Ang Kautusan ay hindi nakabatay sa pananampalataya. Sa halip, sinasabi ng Kasulatan, “Ang sumusunod sa lahat ng sinasabi sa Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.