6Tingnan nʼyo ang nangyari kay Abraham. Ayon sa Kasulatan, “Sumampalataya siya sa Diyos, kaya itinuring siyang matuwid.”
7Malinaw na ang mga sumasampalataya sa Diyos ang siyang mga tunay na anak ni Abraham.
8Noon pa man, sinasabi na sa Kasulatan na ituturing na matuwid ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng pananampalataya nila. At ang Magandang Balitang itoʼy ipinahayag ng Diyos kay Abraham nang sabihin niya, “Pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa pamamagitan mo.”
9Sumampalataya si Abraham sa Diyos at pinagpala siya. Kaya lahat ng sumasampalataya sa Diyos ay pinagpapala rin tulad ni Abraham.
10Ngunit ang lahat ng umaasang maituturing na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ay isinumpa na ng Diyos. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Isinusumpa ang sinumang hindi sumusunod sa lahat ng nasusulat sa Aklat ng Kautusan.”