Mga Taga-Galacia 3

Ito ang ibig kong sabihin: May kasunduang ginawa ang Diyos kay Abraham, at ipinangako niyang tutuparin ito. Ang pangakong ito ay ibinigay ng Diyos sa kanya 430 taon bago niya ibinigay ang Kautusan. Kaya ang pangakong iyon ay hindi mapapawalang-bisa ng Kautusan.

Galatians 3:17 (UKJV) And this I say, that the covenant, that was confirmed before of God in Christ, the law, which was four hundred and thirty years after, cannot nullify, that it should make the promise of no effect.

15Mga kapatid, bibigyan ko kayo ng halimbawa. Hindi maaaring basta na lang ipawalang-bisa o dagdagan ang anumang kasunduang nalagdaan na. Ganoon din sa mga pangako ng Diyos.

16Nangako ang Diyos kay Abraham at sa kanyang apo. Hindi niya sinabi, “sa iyong mga apo” na nangangahulugang marami, kundi “sa iyong apo” na ang ibig sabihin ay isa lamang, at itoʼy walang iba kundi si Kristo.

17Ito ang ibig kong sabihin: May kasunduang ginawa ang Diyos kay Abraham, at ipinangako niyang tutuparin ito. Ang pangakong ito ay ibinigay ng Diyos sa kanya 430 taon bago niya ibinigay ang Kautusan. Kaya ang pangakong iyon ay hindi mapapawalang-bisa ng Kautusan.

18Sapagkat kung matatanggap natin ang pagpapala sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, walang kabuluhan ang pangako ng Diyos kay Abraham. Ngunit ang totoo, ibinigay ng Diyos ang pagpapala bilang pagtupad sa pangako niya.

19Kung ganoon, ano ba ang silbi ng Kautusan? Ibinigay ito upang malaman ng tao na nagkakasala sila. Ngunit itoʼy hanggang sa dumating lamang ang ipinangakong apo ni Abraham. Ibinigay ng Diyos ang Kautusan sa pamamagitan ng mga anghel, at sila ang nagbigay nito sa mga tao sa tulong ng isang tagapamagitan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.