Mga Taga-Galacia 3

Ang Kautusan ay naging tagapag-alaga natin hanggang sa dumating si Kristo, upang sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya ay maituring tayong matuwid.

Galatians 3:24 (UKJV) Wherefore the law was our schoolmaster to bring us unto Christ, that we might be justified by faith.

22Ngunit sinasabi sa Kasulatan na ang buong mundo ay alipin ng kasalanan. Kaya ang mga sumasampalataya lamang kay Hesu-Kristo ang makakatanggap ng mga ipinangako ng Diyos.

23Noong hindi pa dumarating itong tinatawag na pananampalataya kay Kristo, para tayong mga bilanggo. Ikinulong tayo ng Kautusan hanggang sa araw na inihayag ang kaligtasan natin sa pamamagitan ng pananampalataya.

24Ang Kautusan ay naging tagapag-alaga natin hanggang sa dumating si Kristo, upang sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya ay maituring tayong matuwid.

25At ngayong may pananampalataya na, wala na tayo sa patnubay ng Kautusan na tagapag-alaga.

26Kayong lahat ay mga anak ng Diyos dahil sa pananampalataya ninyo kay Kristo Hesus,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.