Mga Taga-Galacia 3

Ngunit sinasabi sa Kasulatan na ang buong mundo ay alipin ng kasalanan. Kaya ang mga sumasampalataya lamang kay Hesu-Kristo ang makakatanggap ng mga ipinangako ng Diyos.

Galatians 3:22 (UKJV) But the scripture has concluded all under sin, that the promise by faith of Jesus Christ might be given to them that believe.

20Ngunit ang pangako ay hindi tulad nito. Dahil nang ibigay ito ng Diyos kay Abraham, hindi siya gumamit ng tagapamagitan o mga anghel kundi siya mismo.

21Kung ganoon, taliwas ba ang Kautusan sa mga pangako ng Diyos? Hindi! Sapagkat kung ang Kautusan ay makapagbibigay-buhay, ito na sana ang naging paraan ng Diyos upang ituring tayong matuwid.

22Ngunit sinasabi sa Kasulatan na ang buong mundo ay alipin ng kasalanan. Kaya ang mga sumasampalataya lamang kay Hesu-Kristo ang makakatanggap ng mga ipinangako ng Diyos.

23Noong hindi pa dumarating itong tinatawag na pananampalataya kay Kristo, para tayong mga bilanggo. Ikinulong tayo ng Kautusan hanggang sa araw na inihayag ang kaligtasan natin sa pamamagitan ng pananampalataya.

24Ang Kautusan ay naging tagapag-alaga natin hanggang sa dumating si Kristo, upang sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya ay maituring tayong matuwid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.