Mga Taga-Galacia 3

Ngunit ang pangako ay hindi tulad nito. Dahil nang ibigay ito ng Diyos kay Abraham, hindi siya gumamit ng tagapamagitan o mga anghel kundi siya mismo.

Galatians 3:20 (UKJV) Now a mediator is not a mediator of one, but God is one.

18Sapagkat kung matatanggap natin ang pagpapala sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, walang kabuluhan ang pangako ng Diyos kay Abraham. Ngunit ang totoo, ibinigay ng Diyos ang pagpapala bilang pagtupad sa pangako niya.

19Kung ganoon, ano ba ang silbi ng Kautusan? Ibinigay ito upang malaman ng tao na nagkakasala sila. Ngunit itoʼy hanggang sa dumating lamang ang ipinangakong apo ni Abraham. Ibinigay ng Diyos ang Kautusan sa pamamagitan ng mga anghel, at sila ang nagbigay nito sa mga tao sa tulong ng isang tagapamagitan.

20Ngunit ang pangako ay hindi tulad nito. Dahil nang ibigay ito ng Diyos kay Abraham, hindi siya gumamit ng tagapamagitan o mga anghel kundi siya mismo.

21Kung ganoon, taliwas ba ang Kautusan sa mga pangako ng Diyos? Hindi! Sapagkat kung ang Kautusan ay makapagbibigay-buhay, ito na sana ang naging paraan ng Diyos upang ituring tayong matuwid.

22Ngunit sinasabi sa Kasulatan na ang buong mundo ay alipin ng kasalanan. Kaya ang mga sumasampalataya lamang kay Hesu-Kristo ang makakatanggap ng mga ipinangako ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.