8Noong hindi pa ninyo kilala ang Diyos, naging alipin kayo ng mga diyos-diyosan.
9Ngunit ngayong kilala nʼyo na ang Diyos (o mas mabuting sabihin na kinilala kayo ng Diyos bilang mga anak) bakit bumabalik pa kayo sa walang bisa at mga walang kuwentang panuntunan? Bakit gusto ninyong magpaaliping muli sa mga ito?
10May pinapahalagahan pa kayong mga araw, buwan, panahon at mga taon!
11Nag-aalala ako na baka nasayang lang ang lahat ng pagsisikap ko sa inyo.
12Nakikiusap ako sa inyo mga kapatid, na tularan ninyo ako, dahil akoʼy naging kagaya ninyong mga Hentil kahit akoʼy isang Hudyo. Wala kayong kasalanan sa akin.