10May pinapahalagahan pa kayong mga araw, buwan, panahon at mga taon!
11Nag-aalala ako na baka nasayang lang ang lahat ng pagsisikap ko sa inyo.
12Nakikiusap ako sa inyo mga kapatid, na tularan ninyo ako, dahil akoʼy naging kagaya ninyong mga Hentil kahit akoʼy isang Hudyo. Wala kayong kasalanan sa akin.
13Alam naman ninyo na ang pagkakasakit ko ang naging dahilan kaya ko naipangaral sa inyo ang Magandang Balita sa unang pagkakataon.
14Kahit naging pabigat sa inyo ang sakit ko, hindi nʼyo ako hinamak o itinakwil. Sa halip, tinanggap nʼyo pa nga ako na parang isang anghel ng Diyos o parang ako na mismo si Kristo Hesus.